Parental Wisdom -- Filipino Style
Chanced upon Ambeth Ocampo's column on Parents and Teachers in Inquirer yesterday, and I had a blast reading the filipino style of parenting. :D Here's an excerpt:
----------------------------------------------
Since I thanked parents and students in my speech, I was tempted to
use "Parental Wisdom -- Filipino Style," forwarded to me by Tina
Cuyugan, but since there were foreigners attending the awards night, I
decided to just share with the readers some items.
(1) Si Inay, tinuruan ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE: "Kung
kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo,
kalilinis ko lang ng bahay."
(2) Natuto ako ng RELIGION kay Itay: "Kapag 'yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
(3) Kay Inay ako natuto ng LOGIC: "Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
(4) At kay Inay ako natuto ng MORE LOGIC: "Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa manonood ng sine."
(5) Si Inay ang nagturo sa akin ng IRONY: "Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
(6) Si Inay ang nagpaliwanag ng CONTORTIONISM: "Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"
(7) Si Itay nagpaliwanag ng STAMINA: "Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"
(8) Si Inay ang nagturo sa amin ng WEATHER: "Lintek talaga kayo. Ano ba itong kuwarto nyo, parang dinaanan ng bagyo!"
(9) Si Itay nagturo ng BEHAVIOR MODIFICATION: "Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"
(10) Si Inay nagturo ng GENETICS: "Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"
(11) Si Inay ang nagpaliwanag sa amin ng ENVY: "Maraming mga batang
ulila sa magulang. 'Di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong
magulang na tulad namin?"
(12) Si Itay nagturo ng ANTICIPATION: "Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"